150

Nov 12, 2021 @ 16:20
By

Marcos Jr. tinaningan ng Comelec

Naglabas na ng summon ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa mga disqualification petition laban kay Ferdinand Marcos Jr.

Ani Comelec Spokesperson James Jimenez, pagkatanggap ng summon, may limang araw si Marcos para maghain ng kanyang tugon.

Kamakailan nag-file ng petisyon ang mga human rights organization sa Comelec para ipakansela ang certificate of candidacy ni Marcos Jr., dahil umano’y na-convict ito sa tax case.

Matapos nito ay sampu pang indibiduwal ang nagbato ng disqualification petition laban kay Marcos Jr.

Nauna nang iginiit ng kampo ni Marcos Jr. na walang basehan ang nasabing petisyon dahil pinagbayad lamang ng multa ang dating senador at hindi nahatulang makulong. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?