21

Nov 21, 2021 @ 16:59
By

Marcos Jr.-Sara ‘uniteam’ lumarga na sa Davao del Norte

Lumarga na ang “uniteam” nina dating Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at Davao City Mayor Sara Duterte sa Davao del Norte ngayong Linggo.

Ayon kay House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, ito ang unang paglabas sa publiko ng dalawa bilang magka-tandem para sa papalapit na 2022 elections.

“It’s great to see the overwhelming support of the people, mostly volunteer riders who joined the longest caravan in Mindanao so far for the BBM-Sara Uniteam….. Let’s continue to unite and foster positive relationships for the common good of our country,” sabi ni Romualdez.

Sumama sa caravan sina Romualdez at Ilocos Norte congressional candidate Sandro Marcos, at ilang opisyal sa Mindanao na kaalyado ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na pinamumunuan ni Duterte at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Marcos.

Sa isang programa sa Tagum City, magkahawak na nagtaas ng kamay sina Marcos at Duterte na mismong nagselyo sa kanilang alyansa.

Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipag-alyansa ng kanyang anak kay Marcos. Ang sinusuportahan umano nito sa pagkapangulo ay ang kanyang kaibigang si Sen. Christopher Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?