239

Nov 2, 2021 @ 21:35
By

Marcos Jr. pinetisyon sa Comelec

Isang pormal na petisyon ang inihain sa Commission on Elections (Comelec) para kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.

Iginiit ng mga nagpetisyon na hindi karapat-dapat na tumakbo sa anumang public office si Marcos Jr. dahil nahatulan ito ng Regional Trial Court ng Quezon City noong 1995 para sa kabiguan niyang mag-file ng income tax returns o tax evasion.

Ang mga petitioner ay binubuo ng mga survivor ng human rights violations noong Martial Law at kani-kanilang pamilya.

Habang sinusulat ito ay wala pang pahayag ang kampo ni Marcos Jr. tungkol sa isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?