41

Jan 7, 2022 @ 21:28
By

Marcos Jr. nilagnat, absent sa DQ hearing

Hindi nakadalo si Ferdinand Marcos Jr. sa preliminary conference ng Commission on Elections (Comelec) First Division kaugnay ng mga disqualification case na isinampa laban sa kanya.

Sa isang statement, sinabi ng kampo ni Marcos Jr., na nilalagnat ang dating senador at masikip ang lalamunan matapos malantad sa positibo ng COVID-19.

“Through his political officer, former congressman Anton Lagdameo, Marcos apologized to the poll body, particularly to Presiding Judge Rowena Guanzon, for the inconvenience, if any, caused by his failure to attend the prelude to the disposition of the cases,” saad sa statement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?