28

Jun 23, 2022 @ 17:04
By

Marcos Jr kinalampag: Sahod ng mga doktor, nurse taasan

Umaasa ang Philippine Medical Association (PMA) na tututukan ng Marcos administration ang sektor pangkalusugan para mas mapaganda at umangat ang kalidad ng healthcare system sa bansa.

Sa Laging handa public briefing, sinabi ni dating PMA President Dr. Benito Atienza na sana ay makita ni President-elect Ferdinand “bongbong”Marcos Jr. ang problema ng mababang sahod ng mga doktor at nurses sa bansa na dahilan kaya umaalis ang mga ito at nagtatrabaho sa bang bansa.

Hangad aniya ng PMA na pagtuunan ng pansin ito ni President Marcos at makabuo ng programa para mapanatili ang mga nurse at doktor są Pilipinas para pagsilbihan ang mga kapwa Pilipino.

“Sana nga po, sabi nga po natin, sana taasan ang mga sweldo ng ating mga doctors lalo na ang ating mga nurses, para hindi sila pumunta sa abroad at doon na humanap ng greener pasture,” ani Atienza.

Nahirapan aniya ng husto ang mga nurses at doktor nitong panahon ng pandemic dahil kinakapos ang ibang ospital ng mga healthworker dahil nag-abroad ang karamihan sa mga ito.

Dahil sa pag-alis ng mga nurse at iba pang health workers patungo sa abroad ay nagtakda ng polisiya ang Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE) ng 5,000 cap kada taon na ang ibig sabihin ay limang libong nurses lamang ang papayagang makapagtrabaho sa abroad kada taon.

Bukod sa mababang sahod ng mga nurse at doktor, isa rin sa pinuna ng DOLE ang praktis ng mga pribadong ospital kung saan ang mga nurse pa ang pinagbabayad ng training fee kapalit ng sertipikasyon na gagamitin ng mga ito sa kanilang pag-abroad.

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?