42

Jan 26, 2022 @ 9:29
By

Marcos Jr.: ICC ‘di na kailangan sumawsaw sa ‘Pinas

Walang nakikitang dahilan si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para payagang mag-imbestiga ang International Criminal Court (ICC) sa ‘di umano’y paglabag sa karapatang pantao sa drug war ng administrasyong Duterte.

Sa panayam kay Boy Abunda na ipinalabas nitong Martes, sinabi ni Marcos na sakaling siya ang manalong pangulo ay tiwala siya sa hudikatura ng Pilipinas.

“I do not see the need for a foreigner to come and do the job for us, and do the job for our judicial system,” aniya.

Ang war on drugs ng administrasyong Duterte ay sinasabing lumabag sa karapatang pantao, dahilan upang magkaroon ng interes ang ICC na mag-imbestiga.

Gayunman, inalis na rin ng administrasyon ang Pilipinas mula sa hurisdiksyon ng ICC.

Samantala, ang ibang mga tumatakbong pangulo gaya nina Mayor Isko Moreno at Senador Ping Lacson ay bukas sa pag-iimbestiga ng ICC sakaling sila ang manalo bilang pangulo. (MJD)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?