2,200

Oct 28, 2021 @ 18:54
By

Marcos Jr. butata sa Oxford

Kinumpirma ng University of Oxford sa England na hindi graduate sa unibersidad si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon sa Information Compliance Team ng Oxford, hindi natapos ni Marcos Jr. ang kanyang degree ngunit ginawaran ng Special Diploma sa Social Studies noong 1978.

“We can confirm that a Ferdinand Marcos matriculated at the University of Oxford in 1975 to read for a BA in Philosophy, Politics and Economics. According to our records, he did not complete his degree, but was awarded a Special Diploma in Social Studies in 1978,” pahayag ng unibersidad na ibinahagi ng ABS-CBN.

“The Special Diploma, which the University no longer offers, was open to both undergraduates and graduates. There is no recorded link between BA and the Special Diploma, and the Special Diploma was not a full graduate Diploma,” dagdag nito.

Sa kanyang lumang resume sa Senate website, nakalagay na mayroong Bachelor of Arts degree sa Oxford si Marcos Jr.

Inayos na ito at inilagay na may “undergraduate degree”, Special Diploma sa Social Studies si Marcos Jr. sa Oxford University.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?