305

Oct 22, 2021 @ 20:35
By

Marcos-Duterte tandem? BBM, Mayor Sara bumisita sa Cebu

Usap-usapan sa social media ang posibilidad na tandem nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito ay matapos mag-post ang dating campaign spokesman ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Peter Tiu Laviña ng photo collage ni Mayor Sara kung saan makikita ang pagtungo ng huli sa Cebu nitong Oktubre 22.

Bumisita rin kasi sa Cebu si Marcos nitong Biyernes para sa inagurasyon ng kanyang campaign headquarters.

Nakasuot si Mayor Sara ng berdeng hoodie na may nakasulat na “Sara All 2022”.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ng presidential daughter na nakipagkita siya sa pinsang si Cebu 5th District Board Member Red Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?