143

By

Marcos: Diplomatic ties sa Iceland putulin na, ASAP!

Hinikayat ni Senadora Imee Marcos ang pamahalaan na agad nang putulin ang diplomatic ties ng bansa sa Iceland matapos magpasimuno sa pag-iimbestiga sa war on drugs ng Pilipinas.

“A strong statement is in order that the values and political agenda of other countries, many of them developed countries like Iceland, cannot be imposed on an independent country like the Philippines,” paliwanag ni Marcos hinggil sa resolusyon ng Iceland para imbestigahan ang human rights situation sa bansa.

Pinunto pa niya ang ginagawang paninisi sa Pilipinas dahil sa paglabag umano sa human rights pero dinedepensahan ng mga ito ang pagpatay sa mga unborn children.

Noong Huwebes nang pagbotohan ang resolusyon ng Iceland kung saan 18 na bansa ang pumabor na imbestigahan ang drug wat, 14 ang tumutol habang 15 ang nag-abstain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?