71

Sep 8, 2021 @ 16:06
By

Marcos bukas sa pagtakbong presidente

Kinokonsidera ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtakbong presidente sa 2022 elections.

Paliwanag ni Marcos, kinonsidera niya ang presidential bid dahil marami sa mga tagasuporta niya ang may gusto nito kesa targetin niya ang vice presidential bid.

Dagdag niya, kung pagbabatayan ang mga survey ay mas malakas aniya siya sa presidential.

“In fact, kung titignan mo ‘yung survey, I do better in the presidential survey than the vice presidential survey. So yes I think that’s a common sentiment that many of our supporters want me to run for the presidency,” aniya sa isang virtual forum.

“That’s the reason why I even considering it. Because andiyan talaga ‘yung support.

“I feel that at least it’s a possibility. It’s certainly part of the plan. The presidency is not taken off the table by any means,” patuloy niya.

Matatandaang noong 2016 tumakbo si Marcos sa vice presidential race pero nabigo kay Leni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?