462

Jan 10, 2022 @ 18:46
By

Marcoleta: BIR hindi inimbestigahan ‘iwas buwis scheme’ ng ABS-CBN

Kinuwestiyon ni House Deputy Speaker at SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagkabigo nito na imbestigahan ang ginawa ng ABS-CBN upang maiwasan umano ang pagbabayad ng mas mataas na buwis.

“One and a half years after the non-renewal of ABS-CBN’s franchise on account of several violations—one of which is the questionable and unjust, if not immoral tax avoidance schemes — the Bureau of Internal Revenue suspiciously refused to get into the bottom of it,” sabi ni Marcoleta.

Paliwanag ni Marcoleta itinayo ng ABS-CBN ang Big Dipper para sa digitization at repurposing service para maaaring maipalabas ang mga produkto nito sa mga online platform gaya ng Netflix, iTunes at Amazon.

Noong 2017, kumita umano ang Big Dipper ng P2.68 bilyon mula sa bayad ng ABS-CBN Hungary (P1.37 bilyon), ABS-CBN (P838 milyon) at iba pang kompanya ng network (P469 milyon).

Ang nakakapagtaka umano, nagbayad ang ABS-CBN ng P838 milyon sa Big Dipper para sa serbisyo na maaari naman nitong gawin in-house at gumastos lamang ng P96 milyon.

“What kind of business person would pay a service provider P838 million when it can do the same thing in-house for only P96 million?” tanong ni Marcoleta.

Ang P1.37 bilyon na ibinayad umano ng ABS-CBN Hungary sa Big Dipper ay maaari umanong gastusan lamang nito ng P150 milyon hanggang P204 milyon.

Paliwanag ni Marcoleta, ang Big Dipper ay nakarehistro sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority kaya ang babayaran lamang nito ay 5% buwis samantalang kung ang pera ay naiwan umano sa ABS-CBN ang kanilang buwis na bahayaran ay 30%.

“Instead, it hired Big Dipper and overpaid it by P1.22 billion in order to spare ABS-CBN (the parent company) from having to consider such realized income that would have taxed the network at 30% if ABS-H will have declared dividends to the parent company,” dagdag pa ni Marcoleta.

Sinabi ni Marcoleta na kayang iimbestigahan ang kawalan ng aksyon ng BIR kapag siya ay nagtagumpay sa kanyang Senate bid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?