18

Aug 5, 2021 @ 18:15
By

Marco todo ligo sa kontrobersyal na eksena kay Sharon

Inamin ni Marco Gumabao na nakailang ligo siya para paghandaan ang kontrobersyal na eksena nila ni Sharon Cuneta sa “Revirginized”.

Sa Aug. 6 mapapanood na ang “Revirginized” sa SKY Pay-Per-View.

Gaganap ang megastar sa newest movie ng Viva Films bilang si Carmela, isang babaeng nabalot ng kalungkutan nang mahiwalay sa asawa.

Kabilang sa pinag-uusapan sa pelikula ang tequila bodyshot scene nila ni Marco, na ayon sa aktor ay isa sa best scenes ng movie.

Kaya naman todo handa raw siya para sa eksena, nakatatlong ligo at nag-scrub ng katawan.

Kinuwento pa ni Marco, akala niya ay anak ni Sharon ang kanyang gagampanan at na-shock nang malamang siya pala ang leading man sa movie. Sa kabila nito’y na-excite rin daw ang aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?