439

Oct 26, 2021 @ 15:47
By

Marco tablado kay Ivana, mas bet ex ni Julia

Nagsalita na si Ivana Alawi tungkol sa rumored boyfriend na si Marco Gumabao.

Matatandaang nag-viral ang pagbi-videoke nina Ivana at Marco kasama ang ilang kaibigan dahil kita ang sweetness ng dalawa, kung saan himas-himas ng aktor ang hita ng vlogger.

Pero ipinagdiinan ni Ivana na single siya ngayon at hindi itatago sa mga fan kung may karelasyon na siya.

“Wala. Totoo talaga. Pag may jowa ako, sasabihan ko kayo,” aniya sa isang KUMU Live.

Napangiti at nag-blush naman si Ivana nang tanungin kung may pag-asa sakaling ligawan siya ng crush niya at ex-boyfie ni Julia Barretto na si Joshua Garcia.

“Lagi ko naman sinasabi lahat may pag-asa,” sey niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?