20

By

Marco nagpasilip, pinaligaya ang mga bading

Sharing is caring!

Nagtilian ang iba’t ibang klase ng beki sa loob ng UP Theater, Diliman, Quezon City nang magpasilip si Marco Gumabao, not just once, but twice, ng kanyang abs sa katatapos pa lang na Queen of Quezon City 2018 Coronation Night.

Obviously naman kasi ay bekis’ delight ang Viva contract star na ito na isa sa male attractions naman ng Los Bastardos ng Kapamilya network.

Teka, ba’t naman ‘pinalaway’ ng guwapong aktor ang mga kafatid? Guest performer kasi siya sa nabanggit na prestigious gay beauty pageant ng in-organize ng QC Pride Council kung saan dalawang kanta ang inihandog niya sa mga nagtitilian na mga miyembro ng LGBTQ Community.

Sa gitna ng kanyang spiels ay pinabigyan niya ang wish ng mga nasa audience na okay lang sa kanya dahil love na love daw niya ang LGBTQ community.

In fairness, may maipagmamalaking abs na rin ngayon si Marco kahit marami rin ang pumansin na medyo mas pumayat siya ngayon o baka lean-looking nga siya dahil sa kanyang muscles.

Anyway, bonggang-bongga ang 23 candidates sa Queen of Quezon City 2018 dahil bukod sa mga babaeng-babae na ang mga ito ay patalbugan sila sa kanilang Butterfly Costume Parade, sa Swim Suit Competition at sa Long Gown Competition.

Hakot awardee ang Candidate #14 na si Casey Banes Paculan dahil halos lahat ng special awards ay nakuha niya at kinabog niya ang iba pang mga kandidata, at talaga namang full of brains din ang beauty na ito na galing sa Pinyahan, QC.

Ang mga nanalo namang runner up na may titulong Lady Equality, Lady Respect at Lady Pride ay ang candidate # 21 Ghen Antolin ng Santa Monica, candidate #23 Pams Diaz mula sa Gulod, and candidate #20 Rami Hannash ng Santa Lucia.

Congrats, Queens!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }