1,076

Oct 24, 2017 @ 15:43

Marco Gumabao at Rocco Nacino game na sa pagrampa nang hubad

Reinvention sa sarili ang magkapareho na dahilan nina Rocco Nacino at Marco Gumabao kaya tinanggap nila ang alok na maging celebrity endorsers ng Bench Body at rumampa na underwear lamang ang mga suot sa 30th anniversary show ng Bench sa November 18.

Kinakabahan ang dalawa sa inaabangan na pagrampa nila sa much-anticipated underwear and denim show ng Bench dahil maraming tao ang manonood.

Inaasahan ni Marco na makakatikim siya ng mga kantiyaw mula sa kanyang mga kaibigan pero mas mahalaga na mapaligaya niya ang fans.

“I’m sure a lot of my fans will appreciate my hard-work and dedication for the show. I’m really excited. All I want is to make everyone happy,” ang sabi ni Marco.

Natuwa naman si Rocco nang malaman nito na hinihintay ng mga tao ang pagrampa niya sa Bench underwear and denim show kaya may mga isinakripisyo siya gaya ng pag-inom ng alcoholic drinks. Tulad ni Marco, regular ang training ni Rocco sa gym para physically fit siya sa nakakanerbyos na fashion show na sasalihan niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?