46

Oct 27, 2020 @ 14:24
By

Marco Gumabao kay Michele: ‘Wag bitter

Hindi sang-ayon si aktor Marco Gumabao sa resulta ng Miss Universe Philippines 2020 kung saan naging second runner-up ang kapatid niyang si Michele.

Pero sambit niya sa kapatid, sa isang Instagram story, hindi ngayon ang panahon para maging “bitter” sa resulta ng pageant.

“Proud of you! Of course, I don’t agree with the decision, but now is not the time to be bitter about it,” sey ng aktor kalakip ang picture ni Michele.

“I know this is God’s plan. We’re just getting started. Love you @gumabaomichele!,” aniya pa.

Si Rabiya Mateo ang umuwing 2020 Miss Universe PH sa finale noong Linggo.

Matatandaang sa press presentation ng Top 5 candidates ng nasabing timpalak ay hindi na sumipot pa si Michele dahil hindi aniya niya kayang harapin ang mga nagtatanong kung bakit siya natalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?