44
Marck Espejo sasabak sa Nat'l tryout
By

Marck Espejo sasabak sa Nat’l tryout

Ipinagbigay-alam ni Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. president Peter Cayco na nakipag-communicate na si five-time UAAP Most Valuable Player Marck Espejo kay head coach Dante Alinsunurin para sa pagsalang nito sa national team tryouts.

“Si Marck Espejo nakipag-communicate kay coach Dante, na he is willing to undergo tryouts pagbalik niya,” ayon kay Cayco.

Kasalukuyang import si Espejo sa Oita Miyoshi Weisse Adler sa Japan V. Premier League.

“Ngayon kung hindi raw sila pumasok sa semis, mukhang hindi eh, baka pauwiin siya ng maaga. Same case with the Santiago sisters (Jaja and Dindin),” dagdag pa Cayco.

Inaasahan na malaki ang magiging kontribusyon ni Espejo sa national team na sasabak sa AVC Men’s Club Championship, Asian Men’s Senior Championship sa Iran at 30th Southeast Asian Games.

Ihahayag sa linggong ito ang 20-man pool na bubuo sa men’s volleyball national team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?