64

Sep 22, 2021 @ 22:12
By

Marcio pinatalsik Alaska

Pinatalsik ng San Miguel Beermen ang Alaska Aces sa PBA Philippine Cup, 101-100, sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga nitong Miyerkoles.

Lamang ng dalawang puntos ang Alaska, 100-98, mahigit 17 segundo ang natitira sa 4th quarter.

Maganda ang naging ikutan ng bola ng Beermen hanggang sa maipasa ni CJ Perez sa walang bantay na si Lassiter para maipukol ang buzzer-beating three pointer at durugin ang pag-asa ng Aces.

Nanguna sa ratsada ng SMB si Perez sa 20 points, six rebounds at four steals.

Naselyuhan ng Beermen ang ikaapat na spot sa 7-4 record habang out na sa kompetisyon ang Aces sa 3-7 win-loss card.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?