50

Oct 6, 2021 @ 18:45
By

‘Marcio Last-hitter’ nilusot San Miguel sa TNT

Bumawi sa kanyang pagkakamintis ng game-winner sa game one si Marcio Lassiter matapos niyang ibuslo ang buzzer-beating putback sa game two para dalhin ang San Miguel Beermen sa makapigil-hiningang 98-96 win kontra TNT para itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-seven semis series.

Tinabla ni Troy Rosario ang laro sa 96-96 sa kanyang step-back three-pointer may anim na segundo sa orasan.

Sa huling possession ng Beermen, kapos ang tira ni June Mar Fajardo ngunit binuhay ni Arwind Santos ang tapikan ng bola hanggang sa mapulot ito ni Lassiter na kumonekta sa kanyang putback.

Kaya naman, hindi nasayang ang pagbangon ng Beermen mula sa 61-80 na pagkakatambak sa third quarter.

Bago pa man ang kabayanihan ni Lassiter, si Terrence Romeo na ang bumuhat sa San Miguel nang kanyang ibuhos ang 24 sa kanyang 26 points sa second half.

Sumuporta naman si Fajardo na may 22 points at 10 rebounds.

Samantala, bigo ang TNT na protektahan ang lamang nang bigla silang alatin sa fourth quarter.

Tumapos si RR Pogoy ng may 21 points, habang may 20 points si JP Erram, ngunit malamig pa sa yelo sina Jason Castro at Mikey Williams.

Walong puntos lang ang nakaya ni Castro sa 1-of-10 shooting, habang 12 points sa 5-of-16 shooting si Williams.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?