14

By

Marcio Lassiter, tinanghal na Player of the Week

Sharing is caring!

Hindi man siya ang top scorer para sa San Miguel Beer sa unang dalawang laro ng PBA Philippine Cup semifinal series nila ng Ginebra, pero naging daan naman si Marcio Lassiter sa dalawang sunod na panalo ng kanyang koponan.

Dahil dito kaya siya ang pinutungan bilang Player of the Week at naungusan niya ang mga kakamping sina Arwind Santos at June Mar Fajardo.

Nagbuslo ng limang tres si Lassiter sa Game 1 noong Biyernes para ihatid sa 102-90 panalo ang Beermen.

Matapos nito ay dinala naman ng tip-in niya sa basket sa 104-102 panalo ang Beermen mula sa 15 puntos na pagkakalubog sa huling quarter.

“This is not over though. We need to win two more. It’s first to four just like them,” ani Lassiter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?