411

Dec 18, 2017 @ 18:00

Marcio Lassiter, natuwa sa SMB rotation ni coach Leo Austria

Nagpahayag ng kagalakan si ‘Super Marcio’ Lassiter sa ginawang rotation ng mga player ni SMB coach Leo Austria sa unang panalo ng defending champions Beermen kontra Phoenix, 104-96, sa pagbubukas ng PBA Philippine Cup.

Kilala kasi si Austria na palagiang ginagamit ang starting line-up niya o ang powerhouse line-up na sina Chris Ross, Alex Cabagnot, Lassiter, Arwind Santos at June Mar Fajardo, at bihirang paglaruin ang iba pa niyang players kaya’t kinakapos sa bandang huli dahil sa pagod na rin ng kanyang starters.

“It’s great, I love it. I loved to see that,” ani Lassiter, sa Spin.ph.

Nagkaroon ng pagkakataon na makahawak ng bola sina Matt Ganuelas-Rosser, na may 16 minutong nilaro; Von Pessumal na may 13 minuto at veterans Chico Lanete at Billy Mamaril na may tig-11 minuto.

Ayon kay Lassiter, marami silang nakomit na errors sa laro pero gagawin nila ang lahat para maayos ito at magamay ang player rotation ni Austria.

Pakay ng Beermen ang four-peat sa Philippine Cup at maitala ang koponan sa kasaysayan ng PBA na unang nakasungkit ng apat na sunod na korona nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?