19

May 13, 2021 @ 13:20

Marcial sa PSC: Huwag kayong umasa ng Olympic gold!

Hindi umano sapat ang pinansyal na suportang natatanggap ni Eumir Marcial mula sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa paghahanda niya sa darating na Olympics.

Bagama’t P43,000 ang kanyang natatanggap kada buwan, iginiit ng boksingero na hindi ito sapat sa kanyang paghahanda.

“Mga taong walang alam sa sports tahimik nalang kayo! Hindi niyo alam ang katotohanan. Since last year nong nasa United States ako hanggang ngayon dito sa Zamboanga City tingin niyo sapat ang 43,000 pesos monthly allowance para sa preparation para sa Olympics?” pahayag ni Marcial sa isang Facebook post.

Dahil sa kanyang sentimyento, may mensahe si Marcial para sa PSC.

“Kung ganyan ang supporta at mentality niyo wag kayong mag hangad ng gold sa Olympics!!! Ngayon ang tanong ko sa sarili ko at tanong ko din sa inyo mahihina ba kameng mga Pilipinong atleta kung bakit hanggang ngayon walang nakakakuha ng gold sa Olympics o sadyang may problema na ang pag supporta galing sa inyo?!”

Depensa naman ni PSC commissioner Ramon Fernandez, walang tigil ang suportang kanilang binibigay kay Marcial.

“Tuloy tuloy naman ang allowance niya, maski nga nag-pro na siya pinatuloy namin ang allowance niya, because we know very well he is going to play for the country sa Olympics. I believe he is also getting allowance from the Air Force. Nagreact lang ako roon, mali naman ‘yun,” pahayag ni Fernandez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?