42

Oct 28, 2021 @ 21:23
By

Marcial nagpakasal na

Nakipag-isang dibdib na si 2020+1 Tokyo Summer Olympic Games men’s boxing middleweight bronze medalist Eumir Felix Marcial sa kanyang longtime girlfriend na si Princess Galarpe Huwebes.

Pinost sa Facebook sa naturang araw ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino ang ilang larawan sa beach wedding ng 25-anyos, 5-11 ang taas at tubong Zamboanga City na professional boxer.

Present din sa okasyon sina Tokyo Olympicss women’s weightlifting 55-kilogram category gold medalist Hidilyn Diaz at boxing silver medalists Nesthy Petecio (women’s featherweight) at Carlo Paalam (men’s flyweight).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?