8

May 7, 2021 @ 14:21
By

Marcial: Mga PBA player ‘di pipilitin magpabakuna

Nilinaw ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi mandatory ang pagpapaturok ng bakuna sa mga player at staff.

Ayon kay commissioner, rerespetuhin niya ang desisyon ng mga manlalaro at staff kung gusto ng mga ito na magpabakuna.

“As of now, hindi requirement… pero kasi may mga narinig ako sa mga mambabatas natin na irerequire nila,” saad ni Marcial.

Ngunit paliwanag ni Marcial, magkakaroon ng mga safety protocol para sa mga player na hindi magpapaturok.

“Alam naman namin ang karapatan niyo kung ayaw niyo magpa-vaccine pero may mga hindi kayo magagawa kapag [hindi] kayo naka-vaccine, may restriction,” paliwanag ni Marcial.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?