43
Marcial lumapit sa Olympics
Mar 5, 2020 @ 22:26

Marcial lumapit sa Olympics

Pinabagsak ni Pinoy boxing champion Eumir Marcial si Kirra Ruston ng Australia sa Asia-Oceania Boxing Qualification Tournament nitong Huwebes sa Amman, Jordan.

Dahil sa panalo ay lumapit si Marcial para makapasok sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa darating na Hulyo 24-Agosto 9.

Dinomina ni Marcial, ang top seed ng middleweight class, ang laban tungo sa 5-0 shutout win upang makausad sa quarterfinals ng torneo.

“I felt pressure before coming into the ring. But inside the ring, I put into my mind I want to win to get that slot in the Olympics,” saad ni Marcial na silver medalist sa AIBA World Championships noong nakaraang taon.

“In my first bout I wanted to keep moving to see my stamina, it looked good.”

Sunod na makakaharap ni Marcial ang magwawagi kina Ahmad Ghousoon ng Syria at Otgonbaatar Byamba-Erdene ng Mongolia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?