26

Aug 5, 2021 @ 15:23
By

Marcial kinapos, swak sa bronze medal

Naubusan sa third round si Pinoy boxer Eumir Marcial at yumukod kontra kay Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine via split decision sa semifinals ng men’s middleweight division.

Seesaw battle ang nasaksihan sa unang dalawang round, ngunit tila napagod na si Marcial sa ikatlong round kung saan nakakuha si Khyzhniak ng 10-9 na score mula sa lahat ng hurado.

Naging mabigat para kay Marcial ang pagkatalo sa third round dahil sa kabuuan, lamang pa siya sa score ng dalawang hurado.

Tatlong hurado ang pumabor sa Ukrainian, 29-28, 30-27, at 29-28, habang nakakuha si Marcial ng boto ng dalawang hurado 29-28, 29-28.

Hindi pa rin naman mapait ang pagkabigo sapagkat sigurado na ang bronze medal para sa 25-anyos na boksingero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?