54

By

Marcial, Board aaksiyunan nilalangaw na PBA, D-League

Sharing is caring!

Isang masayang pagsalubong na kasamahan sa industriya para sa Philippine Basketball Association ang mainit na pag-usbong ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

“It’s a welcome development for us,” pagbasag ni PBA commissioner Wilfrido Marcial sa kanyang katahimikan makaraan ang tatlong araw nang kunan ng reaksyon sa pangatlong pagkakataon ng Abante.

Aniya, ayos lang sa may 45 taong propesyonal na liga na nirerendahan niya bilang ika-10 komisyuner tapos matalaga noong Enero, ang pagkadagdag ng MPBL ni Sen. Emmanuel Pacquiao na isa sa liga sa bansa dahil nakadagdag-trabaho sa mga wala na sa kanilang bakuran.

“Malaking bagay sila (MPBL) sa ex-pros at sa amateurs dahil yung mga gustong maglaro na wala sa amin nasa kanila,” hirit pa niya.

Inihayag din ni Marcial na batid na rin ng PBA Board ang pagbaba ng gate receipts sa kasalukuyang midseason conference PBA Commissioners Cup eliminations at maging ang pagkarampot nang team sa PBA Developmental League o D-League.

Kaya’t sa sa susunod na mga meeting malamang na masama sa agenda ang bagay.

Lilimang buwan pa lang ang semi-pro MPBL at nasa pangatlong torneo, pero lahat ng laro nito sa loob at labas ng Metro Manila’y dinudumog ng tao taliwas sa unang Asia’s first play-for-pay league.

Mula sa 6 teams din ng MPBL at sa inisyal na franchise fee na P500,000, sumampa agad ito sa P10-milyon.

Isang bukas na aklat na ang kawalang live coverage ng TV coveror ESPN5 ni Manuel Pangilinan ang pagbulusok ng D-Legue samantalang para sa mga tagamasid at panatiko ng sport ang pagkakaroon ng anim na teams na magkakapatid sa PBA na ari lang ng dalawang negosyante ang nagpapabagsak din dito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?