52

Feb 28, 2020 @ 19:43
By

Marcelito Pomoy namudmod ng pera sa Quezon

Hindi man nanalo sa “America’s Got Talent: The Champions”, namahagi pa rin ng blessing si AGT 3rd runner-up Marcelito Pomoy sa mga sumalubong sa kaniyang homecoming sa Calauag, Quezon.

Ang Calauag ay hometown ng kaniyang asawa na si Joan.

Hinandugan si Pomoy ng plaque of recognition ng mga local government official dahil sa naabot na tagumpay nito sa AGT.

Pagkatapos nito ay dumiretso si Pomoy sa motorcade kung saan namigay siya ng pera sa gitna ng parada.

Proud naman si Pomoy na kahit hindi siya naging grand winner ay sunod-sunod naman ang blessings niya dahil sa Hunyo ay simula na ng kaniyang 9-state US tour.

Raratsada ito sa Tampa, Florida at magtatapos sa Agosto sa Washington DC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?