605

By

Marcelito Pomoy makakasama si Celine Dion

Sa pagbida ni ‘Philippines Got Talent’ grand winner Marcelito Pomoy sa ‘The Ellen Show’ natuwa, namangha ang host nitong si Ellen De Generes sa rendisyon niya ng kanta ni Celine Dion na ‘The Prayer’ at ‘Beauty and the Beast’.

Sinabi ni Marcelito na idolo nito si Celine at ito ang nakapagpabago sa kanyang buhay lalo na ang kantang ‘The Prayer’.

Nakuwento ni Marcelito ang naging buhay niya sa kalye, paano siya nagsimulang kumanta, at napahanga si Ellen dahil wala itong naging coach o formal training ngunit naging mahusay na singer.

Matapos kantahin ni Marcelito ng ‘Beauty and the Beast’ sinabi ni Ellen na tinawagan niya si Celine, na kaibigan din ng host, para makasama si Marcelito sa show ni nito sa Las Vegas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?