27

Dec 4, 2020 @ 13:25

Marcelito kabog sina Ivana, Tulfo

Video ni Marcelito Pomoy ang top 1 trending sa YouTube sa Pilipinas ngayong taon.

Lampas 45 million views kasi ang nalikom ng doble kara na pagkanta ni Pomoy ng “The Prayer” sa America’s Got Talent noong Enero.

Samantala, puro kasama si Ivana Alawi sa top 2 hanggang top 4 trending sa YouTube PH sa 2020. ‘Di na nakapagtataka na si Ivana ang siya ring top 1 content creator sa bansa, ayon sa YouTube press release.

Ang prank sa kanya ng broadcaster na si Raffy Tulfo ang nasa pangalawang spot, tapos ang collab nila ni Alex Gonzaga ang pumangatlo.

Pang-4 naman ang “boyfriend prank” video ni Alawi.

Samantala, ikalima namang 2020 most trending video sa ‘Pinas ang Q&A video na pinost ng nanay ng yumaong YouTuber na si Lloyd Cadena na si Lorita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?