9

Sep 29, 2020 @ 23:29
By

Marcelino sobra na ang pagtitiis

Aminado si rookie Jaycee Marcelino na naging mahirap para sa kanya ang pagkakaudlot ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020.

Halos 10 buwan siyang hindi nakapaglaro ng official caging game nang talunin ang Lyceum Pirates ng Letran Knights sa semifinals ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2019 na sinundan pa ng Covid-19.

“Sa akin sobrang hirap kasi nung na-cancel po ‘yung mga practice saka laro, umuwi po [muna] ako ng probinsya,” saad ng Alaska Milk 17th overall pick sa 2019 draft sa One PH: Sports Page nitong Martes.

“Ni bola hindi ko nahawakan.”

Pero kahit matagal na ‘cool off’ sa sport, nagpapasalamat pa rin siya sa Aces dahil nakakapagsagawa ng team training via online.

“Pero ang maganda sa team namin nag zu-zoom workout kami at tatlong beses yun sa isang lingo,” panapos niyang sambit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?