0
views

By

Marcelino buena-manong POW

Sharing is caring!

Nalagay sa delikadong sitwasyon ang Lyceum of the Philippine Pirates sa laban kontra Emilio Aguinaldo Generals nitong Biyernes sa 94th NCAA basketball tournament.

Matapos makalamang ng 31 puntos sa kaagahan ng third period ay unti-unting nalulusaw ang napundar na bentahe ng Pirates, natapyas sa tatlo, 80-77 papasok ng fourth quarter.

Isa sa nagpursiging manalo ang Intramuros-based squad LPU ay si last year’s Rookie of the Year Jaycee Marcelino.

Tumikada ng 13 sa kanyang career-best 24 points sa payoff period si Marcelino upang akbayan ang Lyceum sa 106-97 panalo laban sa Generals.

Dahil sa kanyang kabayanihan, hinirang si 20-year-old Marcelino na unang Chooks-To-Go/NCAA Press Corps Player of the Week ngayong season.

May average na 18.5 points, 6.5 rebounds, 3.0 assists, 3.5 steals sa unang dalawang laro si Marcelino kaya naman nasa tuktok sila ng team standings kapit ang 2-0 karta.

Inungusan ni Marcelino ang kapwa Pirate na si CJ Perez, Edgar Charcos ng Perpetual Help, Laurenz Victoria ng Mapua, Robert Bolick ng San Beda at Michael Calisaan ng San Sebastian sa weekly plum na ina-award ng scribes mula sa print at online publications na nagko-cover ng event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?