77

Nov 6, 2017 @ 16:31
By

Marc Ventura, ‘Trojan horse’ sa Atio hazing case – Lacson

Binalaan ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Justice sa posibilidad na panggulo lamang o ‘Trojan hourse’ si Marc Anthony Ventura sa imbestigasyon ukol sa pagkamatay ni Horatio “Atio” Castillo III sa hazing rites ng Aegis Juris fraternity.

Pinuna ni Lacson na magkaiba ang mga sinabi ni Ventura sa DOJ at ang naging salaysay ni John Paul Solano tungkol sa mga ginawa ng fraternity members kay Castillo matapos ang hazing rites noong umaga ng Setyembre 17.

Si Ventura ay aminadong nasa fraternity library nung isinagawa ang hazing kay Castillo.

Isinalaysay nito sa DOJ ang pagbugbog at paghataw ng paddle kay Castillo.

Si Solano ang naghatid kay Castillo sa Chinese General Hospital. Sinabi roon ni Solano na napulot niya ang katawan ni Atio sa bangketa sa Tondo, Maynila.

“Wina-warningan ko lang ang DOJ, ang prosecutor general. Baka may posibilidad na Trojan horse para masira ang kaso.” Pahayag ni Lacson.

“Kasi magkaiba ang kanilang testimony tulad nung may mga sinabi siya dito na hindi tama. Sabi niya hindi siya yung MI o master initiator. Lumalabas kung titignan mo yung documents, of course meron siyang alibi na tumigil na siya sa pagiging MI. But again. Kapag tinignan natin ang articles, yung kanilang Constitution mukhang sablay din dun sa petsa na pinag-uusapan natin kanina. Anyway, it’s just a thought and you should expand yung inyong kinocover na testimonies,” pahayag ni Lacson.

Kinilala naman ni Lacson ang pagpapakita ni Ventura ng sinseridad sa pagtestigo.

Tinukoy ang pagpapapalit nito ng mga abogado at pagkuha ng hindi kasapi ng Aegis Juris.

Samantala, inihayag ni Prosecutor General Jorge Catalan Jr na nananatiling respondent o suspek sa Castillo hazing case si Ventura.

Sa ngayon, “provisionally admitted” si Ventura sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ.

Pinag- aaralan pa umano ang mga testimonya ni Ventura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?