94

By

Marc Pingris nag-sorry sa ‘post-brawl selfie’

Humingi ng paumanhin si dating Gilas forward Marc Pingris sa pagse-selfie nito at ng PH squad matapos ang rambol sa laban ng Pilipinas at Australia sa FIBA World Cup qualifier noong Lunes.

Sa kanyang Instagram nilinaw ni Pingris na hindi niya layon na bastusin ang sinuman at aminado siya na mali ang ginawa niyang pagse-selfie.

“I sincerely apologize to everyone who were offended by the selfie that i took during the break of the Gilas Pilipinas vs. Australia game. While I honestly meant no disrespect to anyone, I realized that the timing was inappropriate,” ani Pingris.

Ani Pingris, may natutunan umano siya sa insidente na maging “circumspect” sa susunod na pagkakataon.

Babantayan na umano niya ang kanyang sarili na mas maging maayos sa kanyang mga galaw lalo na sa pagsuporta niya PH national team.

Nangyari ang “post-brawl selfie” habang nirerebyu ng mga official ang video ng nangyaring upakan ng Pinoy at Aussie players. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?