35

Dec 20, 2019 @ 16:26
By

Marc Gasol, Pascal Siakam garahe muna sa Toronto

Dalawang big man ng Toronto Raptors ang hindi muna makakasabak sa aksyon dahil sa kapwang natamong injury.

Sa laban ng Canadian-based squad kontra Detroit Pistons nitong Huwebes, na-injure si Gasol sa first quarter na tinatayang stained left hamstring ang natamo.

Habang nasaktan naman ang groin area ni Siakam sa fourth canto dahil sa awkward landing.

Dahil dito’y pahinga muna ang dalawa, kasama pa si Norman Powell at wala pang tinakdang petsa ng pagbabalik.

Si Siakam ang top player ng Toronto sa averages na 25.1 points, 8.0 rebounds at 3.6 assists, habang ayuda naman si Gasol ng 6.6 points, 6.6 rebounds at 3.4 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?