128

Nov 6, 2017 @ 12:56

Marc Anthony Ventura hindi kumanta sa Senado

Umurong ang dila ni Marc Anthony Ventura, ang miyembro ng Aegis Juris fraternity na nag-aplay sa Department of Justice (DOJ) bilang testigo sa Horatio “Atio” Castillo sa hazing case.

Tumanggi itong magsalaysay sa pagdinig ng Senado dahil sa direktiba ng DOJ na panatilihin munang confidential ang mga testimonya nito.

Ilang beses na humingi ng paumanhin si Ventura nung tanungin ng mga senador ukol sa mga kasama nito sa hazing rites at ukol sa mga bumugbog at humampas ng paddle kay Atio.

“I’m sorry po your honor. Although I’m very willing po to tell the truth and nothing but the truth po but in-advisan po kasi ako na hindi ako magbanggit ng iba pong details specifically po yung names po . Doon po sa proper court po I will comply po,” pahayag ni Ventura.

Inamin naman ni Ventura naroon siya sa hazing rites na nag-umpisa noong gabi ng Setyembre 16 at tumagal hanggang madaling araw ng Setyembre 17.

Sinabi nito na apat ang pumalo o humataw ng paddle kay Atio at hindi siya kasama rito.

Nang hingan ng detalye kung kailan na bumigay ang katawan ni Atio matapos itong suntukin at i-paddle ng fraternity members, tmanggi si Ventura na magpalawig.

“Sorry po, hind ko po pwedeng i-discuss. Pasensya na po your honor,” pahayag ni Ventura. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?