62
marc-anthony
By

Marc Anthony, ninakawan ng $9-M ng accountant

Sharing is caring!

Inamin ng isang accountant na nagbulsa siya ng mahigit $9-M o nasa halos P500 milyon kay American singer Marc Anthony.

Ayon sa bookkeeper na si Kyle Tessiero, sa loob ng walong taon, gamit ang American Express card ni Anthony ay nakapaglamyerda siya at nakagasta ng libo-libo sa mga mamahaling strip clubs, sa pagta-travel at sa mga mahal na pagkain.

Ang dahilan ng salarin, masyado umanong mayaman ang Latin hearthtrob para mapansin nito ang paggasta niya gamit ang credit card ng singer.

Isinuko ng accountant ang kanyang sarili nang kuwestiyunin ng American Express ang isa sa mga binili niya.

Nakasuhan si Tessiero ng one count ng grand larceny o grand theft.

Sa kabila na hindi nito kayang bayaran ang kanyang ninakaw, plano niyang ibenta ang isang bangka at kotse bilang bahagi ng deal.

Dahil sa plea agreement, nahatulan na lang si Tessiero ng dalawang taon na pagkabilanggo, at magiging siyam na taon ito sakaling hindi siya bumalik sa korte sa Setyembre.

Kabilang sa mga naging asawa ni Anthony sina dating Miss Universe Dayanara Torres at Jennifer Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?