58
oscar-albayalde
Feb 27, 2018 @ 15:06
By

Marawi siege 2, posible – NCRPO

SINEGUNDAHAN ni National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde ang pahayag ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa na posibleng maulit ang Marawi City siege sa ibang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Albayalde may mga natatanggap silang ganitong impormasyon kasunod nang pagkakaaresto kay Juromee Dongon, ang biyuda ni Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

Ngunit paglilinaw agad ng opisyal na walang direktang banta ang anumang teroristang grupo sa Metro Manila.

Aniya, sa ngayon ay naka-full alert status ang kanilang puwersa.

Naaresto si Dongon noong Linggo ng umaga kasama ang kanyang kapatid at bayaw na pulis sa Tubod, Lanao del Norte.

Siya ay asawa ni Khaddafy Janjalani hanggang sa mapatay ang lider ng Abu Sayyaf noong 2006 at nagpakasal naman siya kay bin Hir, na napatay naman noong 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?