38

Oct 5, 2017 @ 15:07

Marawi magiging malaya na – Palasyo

Kumpiyansa ang Malacañang na abot-kamay na ang paglaya ng Marawi City mula sa kamay ng mga terorista.

Kasunod ito ng  ulat na nailigtas ng tropa ng pamahalaan ang 13 ng Maute terror group kahapon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagkakaroon na ng positibong development ang halos limang buwang pakikipagbakbakan ng mga sundalo laban sa mga teroristang grupo.

Kakaunti na lamang aniya ang natitirang puwersa ng Maute group subalit hindi pa rin bumibigay at sinisikap pa ring makisabay sa puwersa ng gobyerno.

“We see this as a positive development towards the liberation of Marawi from the hands of terrorists.  While rebels remain holed up in a small portion of the city, they show tenacity and resistance,” ang sabi ni Abella.

Dahil  kakaunti na lamang ang natitirang puwersa ng kalaban, sinabi ni Abella na mas pinatindi pa ang operasyon ng militar para tuluyang madurog ang Maute group at mabawi ang natitira pang bihag ng mga ito.

Hangad ng Palasyo na matuldukan na ang rebelyon sa lungsod at tuluyang mabawi ang Marawi City mula sa mga kalaban.

“Military operations are focused and intense and necessitate time to rescue remaining hostages, and bring to a decisive conclusion the Marawi rebellion,”ang dagdag na pahayag ni Abella. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?