178

Dec 22, 2017 @ 16:38
By

Marawi, iba pang lugar sa Mindanao binaha kay ‘Vinta’

Nakakaranas ng pagbaha ang lungsod ng Marawi at iba pang lugar sa Lanao del Sur at Lanao del Norte dahil sa epekto ng bagyong Vinta sa Mindanao.

Ayon kay ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Lanao del Sur Crisis Management Committee, dahil sa pagbaha napilitang lumikas muli ang mga bakwit na una nang lumikas dahil sa nangyaring giyera sa Marawi City.

Sinabi ni Adiong, partikular na binabaha ngayon ay ang mga evacuation areas.

May mga lugar din aniyang umaabot na sa bubungan ang taas ng baha.

Kumikilos na ang rescue team ng Lanao Del Sur Crisis Management Committee para tumulong sa pagsagip sa mga biktima dahil sa hagupit ni ‘Vinta’. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?