109

Sep 29, 2017 @ 15:32

Marawi crisis: 936 na ang patay!

Umabot na sa 936 na indibidwal ang napapatay sa nagpapatuloy na giyera sa lungsod ng Marawi, ayon sa huling datos ng Armed forces of the Philippines (AFP).

Sa bilang na ito, 736 ay mga miyembro ng Maute terrorist Group ang nasasawi, 47 ang sibilyan na napatay ng Maute, 153 sibilyan na ang nagbuwis ng kanilang buhay sa nangyayaring giyera.

Umakyat naman sa 1,733 ang nailigtas ng militar habang 707 ang narekober na armas. Tatlumput anim na gusali naman ang na-clear o nalinis na nang military.

Sa ngayon, nagpapagtuloy ang gyera sa pagitan ng militar at maute group na halos maga- apat na buwan na.(Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?