4

Marawi cops may bagong equipment, armas – Albayalde

Sharing is caring!

Bibigyan ng bagong mga kagamitan at armas ang mga pulis na nakatalaga sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Director General Oscar Albayalde kasabay ng unang taong anibersaryo ng Marawi Seige ngayong araw.

Kabilang sa ibibigay ay 300 mga Galib Sub machine guns, limang truck, tatlong patrol cars at apat na Toyota Innova.

Ide-deliver ang bagong kagamitan sa susunod na buwan, sabi ni Director Jose Victor Ramos ng Directorate for Logistics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?