36

Oct 18, 2017 @ 13:51

Marawi commission, pinabubuo para sa rehabilitasyon

Iminungkahi ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles na bumuo ang gobyerno ng Marawi Reconstruction Commission na mangangasiwa sa rehabilitasyon ng lungsod.

Katuwiran ni Nograles, masyadong mabigat ang pangangailangan sa logistics at pondo para tuluyang maibangon ang Marawi City.

Kailangan aniyang tutukan ito ng dedicated na mga tao, civil work experts at city planners.

Inaasahan din ng kongresista na bubuhos ang tulong para sa Marawi kaya dapat merong isang tanggapan ng gobyerno na mangasiwa rito.

Sabi ni Nograles, kung mayroong Marawi Reconstruction Commission, matitiyak na hindi ito matutulad sa Yolanda rehabilitation.

“I think that we should learn from our Yolanda experience. There were too many cooks that spoiled the broth. Everyone’s claiming credit for the projects but when problems began to manifest, everyone’s playing the blame game,” ayon kay Nograles.

Pagkakataon din aniya ito para bigyan ng kumpletong make-over ang Marawi City para maging modernong metropolis.

“We should make sure that the communities that will re-emerge in a new Marawi City that is modern and responsive to the needs of its people. We should rebuild Marawi to make it a better place for those who have undergone so much pain. As one people, we have a moral responsibility to help heal the wounds of war,” sabi ni Nograles. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?