154

Oct 17, 2017 @ 14:33

Marawi City malaya na! – Duterte

Idineklara  na ni Pangulong  Rodrigo Duterte  na malaya  na ang  Marawi City matapos  mapatay ng  mga  sundalo   ang  dalawang  lider  ng  Maute-ISIS  terror group na  sina  Isnilon hapilon at  Omar Maute.

Ang  Pangulo ay nagtungo sa Marawi City isang  araw  matapos  ma-neutralized  ang  dalawang lider  terorista  na  nanguna sa  pagsalakay sa  lungsod noong  May 23, 2017.

Itinaas  na ang  bandila ng  Pilipinas sa  main battle ground area na  hudyat  na  tapos  na ang  giyera  at  malaya  na ang Marawi City  mula sa  kontrol  ng  Maute-ISIS terror  group.

Sa  kanyang  maiksing  pahayag, sinabi ni Pangulong  Duterte  na tapos  na  malaya  na ang  lungsod  na  naging  sentro ng  bakbakan sa halos  limang  buwan.

“Ladies and  and gentlemen, i hereby declare Marawi City liberated from the terrorist influence that marks the beginning of rehabilitation,” ang  maiksing  pahayag  Duterte.

Matatandaang  inihayag  ng  Presidente  na sa  sandaling  dumating na ang  liberasyon ng  Marawi City ay walang  magaganap na  magarbong  selebrasyon at  tahimik na  aalis ang  mga  sundalo sa  lungsod.

Nangako rin ang  Pangulong Duterte  na  pagbabakasyunin niya sa  Hongkong  ang  mga  sundalong  matagal na  nakipagbakbakan sa  Marawi City. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?