73

Dec 9, 2018 @ 15:56
By

Marawi City, ipinasisilip ni GMA sa mga kongresista

Bumiyahe ngayon ang ilang kongresista patungong Marawi City para personal na tingnan ang rehabilitation efforts sa lungsod.

Magsasagawa ng ocular inspection sa Marawi City bukas, December 10 ang mga miyembro ng House Committee on Disaster Management sa pangunguna ni committee chairperson at Bataan Rep. Geraldine Roman.

Kasama sa naturang ocular inspection sina Reps. Ansaruddin Abdul Malik Adiong (Lanao del Sur), Makmod Mending Jr.(AMIN Party-list), Ann Hofer (Zamboanga Sibugay), Cristina “Chiqui” Roa-Puno (Antipolo City), Marlyn Alonte (Biñas City), Victoria Isabel Noel (AN-WARAY Party-list), Vini Nola Ortega (ABONO Party-list), Mauyag “Jun” Papandayan Jr. (Lanao del Sur), at Frederick Siao (Iligan City).

Sa direktiba ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, bibisitahin ng grupo ang resettlement area para malaman ang kasalukuyang status ng panukalang housing development sa lungsod.

Ang relocation sites ay planong tayuan ng permanenteng mga bahay at temporary shelters ng mga residenteng naapektuhan ng giyera.

Makakasama rin ng mga kongresista sa inspeksiyon ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para kumustahin ang psychological effects ng giyera sa mga biktima gayundin ang kondisyon ng kanilang relief distribution sa lugar.

“We just hope that this will be a very productive visit. This will open our eyes so that we can take further action and monitor the progress of the construction of the permanent houses and other aspects of the rehabilitation and reconstruction of the city of Marawi,” sabi ni Roman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?