54

Dec 30, 2017 @ 19:21
By

Marawi City, 30% nang cleared sa pampasabog – AFP

Nalinis na ang 30 porsiyento ng lungsod ng Marawi sa mga pampasabog.

Ito ay batay sa report ng Joint Engineering Task Group (JETG) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Major General Arnold Rafael Depakakibo, ang AFP’s Chief Engineering, na sa kabila na cleared na ang 30 porsiyento ng Marawi sa pampasabog, nagpapatuloy pa rin ang rehabilitasyon nito.

“The JETG continues its main mission of clearing explosives completing around 30% of the whole most affected area,” sabi ni Depakakibo.

Batay sa datos ng AFP, hanggang nitong Disyembre 15, 2017, kabuuang 2,853 na iba’t ibang mga unexploded ordnance at 415 Improvised Explosive Devices ang narekober ng JETG sa Marawi.

Narekober din ang mga ito sa tulong ng Explosives and Ordnance Disposal Company at K-9 teams mula sa Philippine Army at Philippine Air Force.

Bukod sa pagkaka-cleared sa pampasabog sa 30 porsiyento ng Marawi City, nakumpleto na rin ng JETG ang nasa 20 kilometrong primary at secondary roads, tatlong mga pangunahing tulay, eskuwelahan at tatlong bahay sambahan matapos ang liberation ng Marawi.

Sa kasalukuyan mayroong 500 mga military engineers ang naka-deploy sa Marawi City para tumulong sa recovery, reconstruction at rehabilitation operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?