30

Dec 18, 2019 @ 16:40
By

Maraño ‘naki-jam’ sa mga fan

Binigyan ni Aby Maraño ng oras ang kanyang mga solidong fan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dinner date kasama ang mga ito.

Inorganisa ng @teamabyy ang salu-salo para sa early birthday celebration ni Marano.

“Thank you so much @teamabyyy the best talaga kayo parati 6 years strong na tayo!! I love you all na-appreciate ko bawat isa! Sa mga hindi nakapunta bawi lang sa susunod mas maganda marami at kumpleto miss ko kayo!” ayon sa Instagram story ni Maraño, pambato ng F2 Logistics sa Philippine Superliga at team captain din ng Philippine women’s volleyball team na lumahok sa katatapos lang na 30th Southeast Asian Games.

Bukod dito, nagpunta rin si Aby sa South Korea kasama ang kanyang koponan na F2 Logistics Cargo Movers para magbakasyon ng ilang araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?