104

Nov 27, 2019 @ 14:26
By

Maraño: Laban lang para sa bayan

Para sa bansa – ito ang nasa isip nina team captain Aby Marano at John Vic de Guzman ng national women’s at men’s volleyball team na lalaban sa 30th Southeast Asian Games.

Bagamat maraming aberya at issue ang kinaharap ngayon sa SEA Games, positibo naman ang pananaw ng dalawang national athletes upang manatiling focus at makapag-bigay karangalan para sa bayan.

Sa isang Twitter post ni veteran hitter Marano (@Abymarano), “Dear Philippine Athletes, Ramdam ko rin yung frustration ng mga tao pero kaya pa. Keep your eyes on the prize as they say. Stay focus. Konting sakripisyo pa PARA SA BAYAN. Laban lang okay? Yakap, tara dito”

“Though may nangyayari pong hindi maganda rito sa atin, sana po mas isipin pa po natin yung pinaka-goal this #SEAGames2019, yun po ay makapagbigay karangalan at maitayo yung bansa at watawat ng Pilipinas.” saad naman ni de Guzman sa ABS-CBN News.

Unang raragasa sa bienneal meet ang Men’s team sa darating na Disyembre 2 habang sa Disyembre 3 naman magsisimula ang laban ng Women’s team, parehas na gaganapin sa Philippine Sports Arena, Pasig City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?