51

Oct 28, 2020 @ 17:35
By

Maraño inspirasyon sa mga psoriasis patient

INSPIRASYON para sa mga may psoriasis, isang uri ng skin disease, si Philippine SuperLiga star Aby Maraño.

Sa kanyang Facebook post, isang video ang ibinahagi ng F2 Logistics Cargo Movers team captain para sa mga kapwa nitong psor patients.

“This is for all the people who’s battling Psoriasis. Remember it’s only as bad as you allow it to be, ” caption ng beteranang middle blocker.

Punto pa ni Maraño, “your true beauty inside will be seen, just be confident with your skin. And if there’s anything you want to know about Psoriasis or any skin disease, always ask your derm.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?