15

Jun 13, 2020 @ 15:22

Marano humingi ng saklolo

HUMINGI ng tulong si F2 Logistics spiker Aby Marano sa kanyang mga follower kaugnay sa paglalaro ng Mobile Legends.

“Should I consider streaming?” aniya.

Sa kanyang Instagram story kasi ay makikitang nagpapamalas ito ng talento sa paglalaro ng sikat ngayong online game na ‘Mobile Legends: Bang Bang’.

Sa nauna rin niyang IG story ay makikitang naghahasik ito ng MVP moves dahil sa hawak niya ang 17 kills, 1 death stats gamit ang ML character na si Pharsa.

Dahil kuha na niya ang basic mechanics at enjoy sa paglalaro, gumawa ito ng poll sa kanyang IG story at tinanong ang mga netizen kung dapat na ba siyang magsimulang mag-streaming.

Karamihan naman sa sumagot sa nasabing botohan ni F2 Logistic Cargo Movers star Marano ay pabor at hinirit na magsagawa ito ng streaming.

Kaabang-abang naman kung itutuloy ito ng dalaga dahil ang dyowa niyang si Robert Bolick ay babad rin sa paglalaro ng ML gamit ang favorite hero na si Wanwan. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?